Pinag-iingat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang publiko laban sa mga manlolokong indibidwal at kumpanya na nagpapanggap na empleyado, opisyal, o kinatawan ng mga opisina ng AMLC.
Ilegal na ginagamit ng mga ito ang pangalan o lagda ng mga opisyal ng AMLC, pati na rin ang pangalan, logo, o e-mail address ng AMLC sa kanilang mga liham, notice, e-mail, mensahe, website, o social media account upang makakuha ng personal na impormasyon na magagamit sa mga scams at iba’t ibang uri ng panloloko.
Labag sa batas at may kaukulang parusa ang pagpapanggap bilang kinatawan ng AMLC o ng mga opisina nito.
Bilang proteksyon sa sarili, iwasang magbigay ng personal at financial account information, at huwag basta magpadala ng pera sa mga kahina-hinalang indibidwal at kumpanya.
Pinapayuhan ang publiko na suriing mabuti ang mga mensaheng natatanggap o transaksyong inaalok mula sa mga nagpapakilalang kinatawan ng AMLC, at agad ipagbigay alam ang mga kahina-hinalang indibidwal o kumpanya sa:
ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL
Address: 5/F EDPC Building, BSP Complex, A. Mabini corner P. Ocampo Sts., Malate, Manila, Philippines
Contact Number: (+632)8708-7066
E-mail Address: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
Pinapayuhan ang publiko na ipaalam o i-report ang mga online scam at ibang panloloko sa Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police (PNP) sa (632)8723-0401 Local 7491 at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.; sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) sa (632)8252-6228 at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.; at/o sa Fraud and Financial Crimes Division ng NBI sa (632)8525-4093 at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..