The Anti-Money Laundering Council (AMLC) has become aware of telephone extortion schemes, where scammers pose as government officials and ask personal information.
Several reported instances involve automated telephone prompts, which direct the victim to a person claiming to be the police. The said person will then harass the victim of having connections to illegal drugs and demand the victim’s private details, such as SSS and bank account numbers.
Please be advised that the AMLC and its Members, as well as the AMLC Secretariat or any of its personnel, do not, and will never, contact the public and request personal or financial information, including bank account, credit card, account balance, transaction, and online account details, through telephone, mobile phone, e-mail, or other modes of communication. Appropriate investigating agencies have been alerted to trace the source of these fraudulent calls.
If you have been victimized by telephone scammers or have encountered or received information on such scams or similar deceptive schemes devised by persons identifying themselves with the AMLC, kindly e-mail the Financial Crimes Investigation Group (FCIG), AMLC Secretariat, at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..
BABALA UKOL SA PANGINGIKIL GAMIT ANG TELEPONO
Napagalaman ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang isang lumalaganap na pamamaraan ng pangingikil gamit ang telepono kung saan ang tumatawag ay nagpapanggap bilang opisyal ng pamahalaan at humihingi ng personal na impormasyon.
Ayon sa ilang mga ulat, ang biktima ay makakarinig ng isang automated telephone prompt na magdidirekta sa biktima sa isang taong nagpapanggap na taga-pulisya. Igigiit ng taong ito na ang bikitima ay may kinalaman sa iligal na droga at hihingin ang pribadong detalye ng biktima, tulad ng numero ng SSS o bank account.
Ipinapaalalahanan ang publiko na ang AMLC at ang mga Miyembro nito pati na rin ang AMLC Secretariat o alinman sa mga tauhan nito ay hindi kailanmang makikipag-ugnay sa publiko upang humiling ng personal o pinansiyal na impormasyon, kabilang ang mga detalye ng mga bank accounts, credit cards, account balances, transaksyon at online accounts sa pamamagitan ng telepono, mobile phone, e-mail o iba pang pamamaraan ng komunikasyon. Inalertuhan na ang mga naaangkop na mga ahensya upang imbestigahan ang mga mapanlinlang na mga tawag.
Kung ikaw ay nabiktima o nakatanggap ng impormasyon tungkol sa gayong mga pangingikil ng mga taong nagpapakilala bilang taga-AMLC, mangyaring makipag-ugnayan sa Financial Crimes Investigation Group (FCIG), AMLC Secretariat, sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..