Advisory on Scam Incidents Involving Deepfakes Technology |
Paalala mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) kaugnay sa mga Pekeng Investment Scheme Gamit ang Deepfake Technology |
The Anti-Money Laundering Council (AMLC) warns the public about the increasing misuse of Artificial Intelligence (AI), particularly deepfake technology, in fraudulent investment schemes. Deepfakes are AI generated synthetic media such as videos, audio recordings, or images that falsely depict individuals as saying or doing things they never actually said or did. Recently, scammers were now using this AI to create fake videos or voice recordings of well-known personalities, Chief Executive Officers (CEOs), or influencers to falsely endorse fake investment schemes to deceive the public. The AMLC strongly urges the public to exercise due diligence and caution when encountering investment offers, especially those promoted through social media platforms or unsolicited messages. Individuals are advised not to rely solely on videos or online post as proof of legitimacy. Instead, always verify the authenticity of investment opportunities with Securities and Exchange Commission (SEC) at 8818-1898 or Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at(632) 8811-1277 The public is also advised to report any incident or suspected use of deepfake technology in connection with scams or fraudulent activities to the following government agencies for investigation and enforcement:
|
Pinag iingat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang publiko hinggil sa maling paggamit ng Artificial Intelligence (AI), partikular ang deepfake technology, sa mga mapanlinlang na investment scheme. Ang mga deepfakes ay gawa ng AI na synthetic media tulad ng mga video, audio recording, o larawan, na peke at hindi totoong ginawa o sinabi ng taong nasa video o larawan. Kamakailan, ginagamit na ng mga scammer ang teknolohiyang ito upang lumikha ng pekeng video o audio recordings ng mga kilalang personalidad, CEO, o influencer na kunwari’y nag-eendorso ng mga pekeng investment scheme upang linlangin ang publiko. Mariing hinihikayat ng AMLC ang lahat na maging maingat at magsagawa ng masusing pag-beripika sa anumang investment offer, lalo na kung ito ay nakikita lamang sa social media o ipinapadala sa pamamagitan ng hindi hinihinging mensahe. Pinapaalalahanan ang publiko na huwag basta-basta magtiwala sa mga video o post online bilang katibayan ng pagiging lehitimo ng alok. Sa halip, siguruhing beripikado ang investment opportunity sa Securities and Exchange Commission (SEC) sa 8818-1898 o sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa (632) 8811-1277 Pinapayuhan ang publiko na ipaalam o ireport ang paggamit ng deepfake technology sa mga panlilinlang o mapanlinlang na gawain sa mga sumusunod na ahensya ng pamahalaan para sa kaukulang imbestigasyon at aksyon:
|
Posted: 01 August 2025